Biyernes, Disyembre 30, 2011

ANG PAG_IBIG AY PARANG ISANG HALAMAN

ANG PAG IBIG AY ISANG HALAMAN




Ang halaman ay nagsisimula muna sa isang buto.


Ganun din sa pag ibig una araw  palang ninyong pagkikita para na kayong isang buto.Tapos pagkilala na kayo ng lubusan diyan na ang nararapat na simulan sa pangalawag yugto sa pag-ibig




Pagpangalawang yugto ay ang PAGTATANIM ng buto para maging halaman
pagtatanim ay para rin yang panliligaw, una bibisitahin mo,padadalhan mo mga bulaklak at panunuyo sa mga magulang sa iyong napupusoan at ito rin ang yugto kung saan mabuboo ang tiwala ng iyong napupusoan at ito rin ang panahon na ang iyong napupusuan ay magsisimulang mahalin ka. Ito rin tamang yugto kung saan dapat ng ipagtapat ang iyong tunay na nararamdaman at tunay na pakay sa panliligaw mo in short proposal.
Pagkatapos nito dapat na kayong maghanda sa pangatlong yugto sa pag-ibig.






Pangatlong yugto ang PAGDIDILIG sa halaman.
Ang halaman ay kaylangan nating diligan para ito ay tutubo at lumaki na bilang isang puno.
Ganito rin ang pag-ibig dapat din natin diligan para maging matatag ang isang samahan. Ang ginagawa sa mga magkasentahan(magkapareha) sa yugtong ito ay pumapasyal, nanonood ng sine at kahit anong pang magagandang at masasayang gawain basta't  magkasama lang sila. 
 Sa yugto rin ito magsisimulang lumaki ang halaman at ito'y magiging ganap na isang puno.
Nang dahil sa pagdilig at pag-aalaga sa inyong relasyon ito'y nagdudulot ng maganda at matiwasay pagsasamahan. Minsan nga ang magkasintahan ay umaabot ng 3-6 taon pagsasamahan.
Pero sa yugto rin ito nagsisimula magpakita ang mga problema sa relasyon at dito rin masususbukan ang katatagan ng inyong pagmamahalan. Dahil if mahal nila ang isa't-isa kayang nilang protectahan ang relasyon nila. Kahit ano mang mga dilubyo ang dumating kaya nila itong lampasan.
 Pero may ilan na magkasentahan(magkapareha) ay nauuwi sa hiwalayan at di nila alam paano ibabalik ang diwa ng kanilang pagmamahlan. Bakit kaya nangyayari itong klasing mga hiwalayan?  hindi kaya nagsasawa sila sa problema o sa kanilang kasama? 
o kaya hindi nilang kayang lampasan ang mga problema dumadating sa kanila?
simple lang naman ang gawin kung mahal nga nila isa't isa pwede lang naman nila tandaan ang kanilang mga pangako sa isa't isa kung paano nila diniligan at pinalaki ang kanilang pagsasamahan at pagmamahalan.
Katulad din ito sa puno. Maraming sagabal sa paglaki mapabagyo man ito, baha, o iba pang ibang dahilan upang maputol o mabali ang puno. Pero diba pag naputol ang puno at meron pang ugat na nanatili nito, pwede pang tumubo ulit ang puno ito? 
 katulad din ito ang pag-ibig pag naputol pwede pa itong tumubo at lumaki na higit pa sa unang punong inalagaan noong una. 
Basta marunong lang tayong lumingon sa ating nakaraan,magpatawad, magpahalaga sa ating sinimulan at marunong magmahal ulit sa taong talagang mahal mo. Katulad din ito pagtayo'y ikinasal. Diba meron singsing. Diba ang Singsing ay para rin iyang ugat. 
Dahit bago natin isinuot ang singsing  meron tayong pangako na isinambit para sa ating kabiyak. Na hindi natin siya iiwan sa hirap man o sa ginhhawa.
At kung malampasan man nila ito, Pwede na silang tumawid sa susunod na yugto.






Ang Pang-apat na yugto ang PAMUMUNGA
Ito ang pinakamagandang yugto sa pag-ibig dahil dito kayo gagawa ng mga bunga ng iyong pagmamahalan at dito niyo sila pamamanahan ng magagandang asal at magandang kinabukasan.
Katulad din ng isang puno, Pag maganda ang puno maganda ang bunga, Pag maganda ang bunga maganda ang kinalalabasan.
Pwede maging matamis, masarap at lahat ng maganda pwede ihalintulad nito.
at pagkatapos ng yugtong ito ang huling yugto




Ang Huling yugto ang PAGTANDA at PAGKAMATAY ng puno
Lahat ng puno ay mayhangganan, pwede din itong mamatay.
Mamamatay ng masaya dahil nakapagmahal sila ng tunay at nakapagpasaya sa kanyang minamahal. Ang lungkot diba kasi may iba nauuna ang isa at na iwan luhaan ang isa. Pero mayroon din iba nauuna ang isa at di kalaonan susunod naman yung isa.. Pero kung ako ang papipiliin sana sabay nalang kami. Kasi gusto kung sa kabilang buhay magsisimula naman akong magtanim ng bagong PUNO NG PAG-IBIG sa taong mahal ko.




FOR MY BELOVED GIRLFRIEND AND MY FUTURE WIFE: MY MOMHIE JL

I LOVE YOU  


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento